by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 18 February 2016
Photo Courtesy: Nonong Reandelar Marcelo/Romblon News Network
Nakatanggap ng awards ang iba’t ibang Public Employment Service Office sa lalawigan ng Romblon sa ginaganap na 12th MIMAROPA Regional PESO Congress sa El Nido, Palawan.
Dinaluhan ito ng mga PESO Managers sa mga probinsya ng Mindoro, Palawan, Marinduque at Romblon.
Pinarangalan bilang Best Provincial PESO ng probinsya ng Romblon ang PESO Office sa bayan ng Odiongan, habang pangalawa naman ang Romblon State University at pangatlo ang bayan ng Calatrava.
Nakatanggap rin ng Plaques of Recognition ang bayan ng Banton, Santa Maria, Sta. Fe at Cajidiocan para sa Institutionalized PESO ng lalawigan para sa taong 2015.
Nagsimula ang 12th MIMAROPA Regional PESO Congress sa El Nido, Palawan noong February 16 at magtatapos bukas, February 19.
Isa sa mga naging panauhing pandangal ay si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Nicon Fameronag na kilala ring produkto ng Romblon.