by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 05 November 2015
Ang mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Mimaropa ay nagsagawa ng dalawang araw na refresher seminar para sa mga fish pond operators sa lalawigan ng Romblon.
Umabot sa 40 fish pond operators ang sumailalim sa Fry to Fingerlings Stage Production of Milkfish in Pond-Based and HAPA Based na ginanap sa KOICA Hall, sa bayan ng Looc, Romblon at apatnapung katao rin ang lumahok sa Training on Aquaculture with Emphasis of Subsheld Crab Production and Crab Fattening na isinagawa sa Bgy. Libertad, Odiongan, Romblon.
Ang mga kinatawan ng BFAR 4B na sina Von Villanueva at Daisy U. Celis ang nagsilbing lecturer sa naturang pagsasanay kung saan tinalakay sa mga fish pond operators ang wastong dispersal ng bangus fry mula sa Marine Hatchery & Research Center patungo sa kanilang mga fish cages.
Samantala, sa mangrove aquaculture training naman ay itinuro kung paano ang palalaguin ang produksiyon ng alimango at ang tamang paraan ng pagpapataba sa mga ito.
Ayon kay Provincial Fishery Officer Ruperto Alforque na layunin ng dalawang araw na pagsasanay ay upang mapaunlad ang industriya ng pangisdaan sa buong lalawigan.