by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Wednesday, 21 October 2015
Kaugnay ng pagdiriwang ng ‘2015 Consumer Welfare Month’ ngayong Oktubre, ang Department of Trade and Industry (DTI) – Romblon sa pakikipagtulungan ng Department of Energy (DOE) ay nagsasagawa ng Consumer Congress sa Social Hall ng Romblon West Central School kamakailan.
Dinaluhan ito ng ilang opisyal ng bayan ng Romblon, mga punong barangay, senior citizens, womens group, academe, youth leaders at iba pang stakeholders.
Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1098 na may petsang September 26, 1997, na ang buwan ng Oktubre kada taon ay idineklarang Consumer Welfare Month (CWM) Ito ay naglalayong palaganapin pa ang impormasyon sa mga karapatan ng mga mamimili at ayusin ang relasyon ng mamimili, business sector at pamahalaan.
Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang: “Consumer Protection in ASEAN Economic Community.”
Sinabi ni Orville F. Mallorca, Provincial Caretaker – DTI Romblon Provincial Office na layunin ng kanilang ginagawang aktibidad na mabigyan ng tamang impormasyon ng mga consumers hinggil sa kanilang mga karapatan bilang mga mamimili.
Ang mga kinatawan ng National Food Authority sa katauhan nina Rowena N. Maduro at Merlinda M. Galac ay nagbigay paliwanag hinggil sa wastong pagtitipid ng bigas, mga kampanya nito ukol sa hindi dapat sayayngin ang pagkain at nagpaliwanag ng mga panuntunang ipinaiiral ng ahensiya sa mga nagnenegosyo ng bigas.
Tinalakay naman ni Angel Fe I. Gadon, Supervising Pharmacist ng DOH 4B, ang tungkol sa proseso ng pag-aaplay ng lisensiya ng mga botika, regulasyong dapat sundin ng isang parmasya at nagbigay ng mga halimbawa ng gamot na maaaring ibenta kahit walang reseta galing sa doKtor.
Si DTI Provincial Caretaker Mallorca ang tumalakay ng usapin ukol sa Product Standards upang magabayan nag mga mamimili sa pagbusisi sa mga produktong bibilhin nito. Alinsunod aniya sa batas na ipinatutupad ng ahensiya ay mayroong karapatan ang isang consumer na isauli o palitan ang anumang produktong nabili na depektibo.