by Paul Jaysent Fos, RomblonNews | Wednesday, 23 September 2015
Ikinatuwa ng ilang environmentalist group ang pagkakahuli sa dating Gobernador ng Palawan na si Joel Reyes at sa kanyang kapatid na dating Mayor ng Coron, Palawan na si Mario Reyes na di umanoy utak sa pagpatay sa mamahayag at enviromentalist na si Gerry Ortega noong 2011.
Nahuli nitong nakaraang araw ang magkapatid na Reyes sa Southern Island ng Phuket, Thailand ng mga tauhan ng Thai police.
Ayon ky Clemente Bautista, national coordinator ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE), ang pagkakadakip sa magkapatid na Reyes ay dahilan upang mas mapabilis ang paghahanap ng hustista ng mga kaibigan at kamag-anak ni Dr. Ortega.
Sinabi rin ni Bautista na sana mapakulong ng Department of Justice ang lahat ng pumatay sa mga environmetal activist.
“We hope the arrest of the Reyes brothers does not end up as just a publicity stunt and serve to set the tone for the other outstanding cases,” ayon sa kanyang pahayag.
Sa tala ng Task Force-Justice for Environmental Defenders, meron ng 86 cases na pagpatay sa mga environmentalist ang kanilang naitatala simula pa 2001, 50 rito ay nangyari sa administrasyon ni Pangulong Aquino.
Sinabi rin ni Bautista na tanging ang kaso lang ni Councilor Armin Marin ng Sibuyan Island, Romblon ang nabigyan ng hustisya kung saan siya ay binaril ng private chief security officer ng isang mining company sa Isla noon.
Si Mario Kingo, ang nakilalang pumatay kay Marin ay guilty sa kasong criminal negligence at reckless imprudence.
“Our justice system’s track record runs at a snail’s pace, but our efforts to demand justice for all victims under this culture of impunity will persist,” ayon kay Bautista.
Dagdag pa ni Bautista, marami pa umanong organisasyon ang hindi titigil na sisigaw ng hustisya para sa mga namatay at mga biktima ng human-rights violation na ginawa sa mga environment activists.