• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Saturday, May 2, 2026
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Peace rally sa Romblon, isinagawa bago target na SIPS declaration

    Peace rally sa Romblon, isinagawa bago target na SIPS declaration

    “P. guiting,” bagong species ng maliit na palaka, nadiskubre sa Romblon

    “P. guiting,” bagong species ng maliit na palaka, nadiskubre sa Romblon

    3 OFW mula Romblon na umuwi dahil sa sigalot sa Middle East, tinulungan ng TESDA at OWWA

    3 OFW mula Romblon na umuwi dahil sa sigalot sa Middle East, tinulungan ng TESDA at OWWA

    TESDA, OWWA nagsagawa ng food processing training para sa pamilya ng OFWs sa Romblon

    TESDA, OWWA nagsagawa ng food processing training para sa pamilya ng OFWs sa Romblon

    Gov. Firmalo-Fabic, binigyang-diin ang pagpapalawak ng kabuhayan at skills training sa Labor Day

    Gov. Firmalo-Fabic, binigyang-diin ang pagpapalawak ng kabuhayan at skills training sa Labor Day

    RSU ROTC, nanguna sa MIMAROPA sa unang RAATI inspection

    RSU ROTC, nanguna sa MIMAROPA sa unang RAATI inspection

    54-anyos na lalaki, nasawi sa pagkalunod sa ilog sa Cajidiocan

    54-anyos na lalaki, nasawi sa pagkalunod sa ilog sa Cajidiocan

    BJMP Odiongan, binigyang-diin ang kahalagahan ng e-dalaw system para sa PDL at kanilang pamilya

    BJMP Odiongan, binigyang-diin ang kahalagahan ng e-dalaw system para sa PDL at kanilang pamilya

    PHILRECA, nanawagan na ilipat sa national budget ang subsidiya sa kuryente

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

    U_Spy: Nakakabinging Speaker sa House

    Legal o Ligaw? Pagsilip sa House Arrest Resolution at Duterte Act

    Mukha ng mga politiko sa mga tarp ng proyekto ng Romblon gov’t, pinagbabawal na

    Siguradong marami ang matutuwa, malamang meron ding mga aaray!

    Isang Magandang Simula: Gob. Trina Firmalo-Fabic, tagapagbunsod ng mabuting pamamahala

    Isang Magandang Simula: Gob. Trina Firmalo-Fabic, tagapagbunsod ng mabuting pamamahala

    Romblon 2025: Panibagong Simula, Panibagong Pananagutan

    Romblon 2025: Panibagong Simula, Panibagong Pananagutan

    Mapagkakatiwalaan ba ang Senado bilang Impeachment Court?

    Huwes-Huwesan: Senador nga ba o Tuta?

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

    MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Register
No Result
View All Result

Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: “Unli” ang kasalanan ng mga Tsino

Rey Marfil by Rey Marfil
June 24, 2019 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 20 mins read
2
0
U_Spy: “Unli” ang kasalanan  ng mga Tsino
Share on FacebookShare on Twitter

Gaya ng husay nila sa bilis sa paggawa ng mga pekeng isla sa West Philippine Sea, aba'y tila niratsada rin ng China ang imbestigasyon nila sa ginawang pananagasa ng mga kababayan nilang mangingisda sa bangka naman ng 22 mangingisdang Pinoy at pagkatapos ay iniwan pa nilang palutang-lutang sa Recto Bank.

Isang araw lang matapos lumabas ang mga ulat sa pagtiyak ng Chinese officials na “masusi” raw nilang iimbestigahan ang insidente, aba'y nakapaglabas na agad sila ng pahayag. At kinumpirma nga nila na barko ng mga kababayan nila ang “nang-hit-and-run” sa mga kawawang mangingisdang Pinoy.

Ang matindi, sa bersyon na ipinalabas ng China batay daw sa kuwento ng kanilang mga kababayang nasangkot sa insidente, aba'y sila pa ang naagrabyado at mga Pinoy pa ang may kasalanan. Tila raw kasi nais silang kuyugin ng mga grupo ng mga mangingisdang Pinoy na sakay ng mga bangka kaya silang humarurot.

Sa kanila raw na pag-alis, sumabit sa kanila ang bangka ng mga Pinoy at lumubog. But wait there's more nga tsong, hindi rin daw nila basta iniwan ang mga Pinoy. Umalis lang daw sila sa takot na kuyugin silang muli ng mga Pinoy at nakita raw nilang may sumaklolo na sa mga ito.

Ang nakapagtataka, inilabas ng China ang bersiyon ng kanilang mga kababayan, ilang oras lang matapos makabalik na sa lupa ang mga kawawang mangingisdang Pinoy at inilahad nila ang nangyari. Ang bersiyon ng mga naagrabyadong Pinoy, nagpapahinga na sila dahil hatinggabi na para maghanda sa biyahe kinabukasan nang basta ba lang sila binangga banggain sila ng mga Tsino.

Tiyak daw sila na Tsino ang mga ito dahil sa palatandaan ng mga ilaw na gamit ng mga mangingisda na gamit ng bawat bansa na nandoon. Ang matindi, bumalik daw ang mga Tsino nang nakalubog na sila sa dagat, inilawan sila, at saka tuluyang umalis.

Papaano sila nakaligtas? Sa dilim ng gabi, nakaaninag sila ng ilaw ng bangka at pinagsagwan nila ang ilan nilang kasama papunta sa ilaw. Pagkaraan ng napakahabang pagsasagwan, doon na nila nalaman na bangka ng mga Vietnamese ang kanilang napuntahan at hiningan nila ng tulong. Pagkatapos nila, pinuntahan na nila ang iba pa nilang kasamahan na nakalubog sa dagat.

Gamit ang komunikasyon ng mga Vietnamese, nakatawag ang mga Pinoy sa kanilang mga kaanak at doon na pumasok sa eksena ang mga Navy para kunin sila. Hindi kaagad nakarating sa mga awtoridad ang insidente dahil nasa tatlong araw ang layo ng paglalakbay sa Recto Bank.

Ngayon ang tanong ng ating kurimaw na takot sumakay sa bangka, kaninong bersiyon ang paniniwalaan? At alin ang higit na kapani-paniwala?

Ang nakakabuwisit lang, matapos magbigay ng mga unang pahayag ang ating mga opisyal na nagkokondena sa ginawa ng mga mangingisdang Tsino, aba'y kinabukasan eh may himig na sila ng padududa kung mga Chinese nga ang nanagasa sa mga Pinoy? Bakit kaya? Keso mga mangingisdang Pinoy lang daw kasi ang nagsabi na mga Tsino nga ang nakabangga sa kanila, at dapat daw hintayin muna ang imbestigasyon. Pero ngayon umamin na ang China, paano na?

May mga naghihinala na baka hindi karaniwang mangingisda ang nang-hit-and-run sa mga Pinoy, kundi mga napapabalitang Chinese militia na nagpapanggap na mga mangingisda. Kung hindi kaagad umamin ang China, baka isipin pa nga ng iba na posibleng may nais manabotahe lang sa pagiging BFF ngayon ng China at Pinas. Subalit ngayon, lumitaw na ang dalawang bersyon ng “katotohanan.”

Hula ng ating kurimaw na magiging ending ng usaping ito, kahit “hindi kasalanan” ng mga Tsino ang pangyayari, magbibigay ng “goodwill” ang China sa mga mangingisdang Pinoy para ika nga eh “bygones be bygones.” Ngunit kung tutuusin, hindi dapat humingi ng kompensasyon ang Pilipinas sa China dahil lalo lang magmumukhang kawawa ang mga Pinoy.

Iisipin ng mga ito na puwede palang banggain ang mga Pinoy at bayaran na lang. Para bang SUV na nanagasa ng mahirap pero hindi na maghahabla ang biktima kasi pumayag ang pamilya nito na makipag-areglo na lang at sasagutin nila ang palibing sa kaniya.

Hindi ba mas mabuti kung tutulungan na lang ng gobyerno o ng mga mayayaman ang mga biktimang mangingisda na sagutin ang nawala nilang kita sa natapong mga nahuli nilang isda. Kasabay nito ay tulungan din silang maipagawa nang mabilis ang kanilang bangka para makabalik agad sila sa laot. Gaya ni Willie Revillame na puwedeng sumigaw na “bigyan ng jacket ‘yang mga mangingisda!,” at sabay hatag pa nang malakas na “sampung libo!” Ang mga nanalong senador, baka may natirang campaign funds na puwede nilang idonate sa mga mangingisda?

Siguro kung campaign period pa ngayon, baka na mag-uunahan pa ang mga kandidato na magbigay ng tulong sa kanila with photo-ops.
Pero sa totoo lang, sa ganitong paraan, maipakikita ng gobyerno ng Pilipinas at mga kababayan natin ang mensaheng dapat nating iparating sa China at sa mga kababayan nilang mangingisda. Tutal mukhang hindi rin naman tatanggapin ng China ang bersyon ng mga Pinoy lalo na kung totoong “militia” ang nanagasa sa mga kababayan natin.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Popular Stories

  • 54-anyos na lalaki, nasawi sa pagkalunod sa ilog sa Cajidiocan

    54-anyos na lalaki, nasawi sa pagkalunod sa ilog sa Cajidiocan

    384 shares
    Share 154 Tweet 96
  • RSU ROTC, nanguna sa MIMAROPA sa unang RAATI inspection

    74 shares
    Share 30 Tweet 19
  • 3 OFW mula Romblon na umuwi dahil sa sigalot sa Middle East, tinulungan ng TESDA at OWWA

    31 shares
    Share 12 Tweet 8
  • PhilHealth maternity benefits, pinalawak ni PBBM

    464 shares
    Share 186 Tweet 116
  • Gov. Firmalo-Fabic, binigyang-diin ang pagpapalawak ng kabuhayan at skills training sa Labor Day

    17 shares
    Share 7 Tweet 4
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

CARE desks sa Romblon, bahagi ng mga programa ng House of Representative

Bahay sa Corcuera, nasunog; sanhi ng sunog iniimbestigahan pa

Minor patay matapos malunod sa dagat sa Odiongan

TRENDING FOR THE MONTH

Tricycle driver, patay matapos mahulog sa ilog sa Odiongan

Minor patay matapos malunod sa dagat sa Odiongan

SB member at kasama, arestado sa Santa Fe matapos mahulihan ng baril at bala

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Click here to close the Ad

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Blogs
  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Sign Up