Arestado ang isang most wanted person sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng dalawang bilang ng statutory rape at isang bilang ng rape sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Camandag, Looc, Romblon, dakong alas-9 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 22.
Pinangunahan ng Nasugbu Municipal Police Station sa Batangas ang operasyon, katuwang ang Looc Municipal Police Station at Romblon Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Ayon sa Romblon Police Provincial Office (RPPO), inilabas ng Regional Trial Court Branch 14 sa Nasugbu, Batangas ang warrant of arrest laban sa suspek. Walang inirekomendang piyansa para sa mga kasong kinahaharap nito.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa kustodiya ng Looc Municipal Police Station para sa dokumentasyon at iba pang kaukulang proseso bago ito i-turn over sa korte na naglabas ng warrant.


























