Ipinahayag ni Mayor Greggy Ramos na pansamantalang ipopostpone ng Lokal na Pamahalaan ng Cajidiocan ang nakatakdang pagdiriwang ng Family Day ngayong linggo upang ituon ang pondo para sa mga kababayang matinding naapektuhan ng Bagyong Opong.
Ayon kay Ramos, ang halagang ₱500,000 na nakalaan para sa selebrasyon ay ililipat sa calamity response at idadagdag sa Calamity Fund ng munisipyo upang agad na maipamahagi sa mga residente na nawalan ng bahay dahil sa bagyo.
Dagdag pa niya, prayoridad ng LGU na tiyakin ang agarang tulong at suporta sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at nangangailangan ng pangunahing pangangailangan habang nagpapatuloy ang relief at rehabilitasyon sa bayan.
Matatandaang kabilang ang Cajidiocan sa mga bayan sa Sibuyan Island na unang nakaranas ng matinding hagupit ng Bagyong Opong nang ito ay mag-landfall sa San Fernando bago tumawid sa Tablas Island.
Discussion about this post