Pinangalanan na ang mga manlalarong mapapasama para sa taunang NBA All-Star Game festivities na gaganapin ngayon sa home court ng Golden State Warriors, sa Chase Center sa San Francisco, California. Magaganap ito sa February 15 – 17, 2025. Ang mga manlalarong ito ay napili sa pamamagitan ng online voting at selection ng mga coaches na nasa Eastern at Western Conference teams.
Ngayong taon, binago ng National Basketball Association ang All-Star format. Mula sa traditional na East vs. West, ito ay magiging apat na teams kung saan tatayong mga team managers sina NBA Greats Shaquille O’Neal, Charles Barkley, Kenny Smith, at WNBA multiple champion Candice Parker. Ang 24 players na napili via online voting at head coaches selection ay dadaan sa draft na pagpipilian ng mga managers. Ang team ni Parker ay bubuuin ng mga manlalarong magwawagi sa Rising Star Challenge. Bilang mga kasalukuyang top teams ng Eastern at Western Conferences, ang Cleveland Cavaliers at OKC Thunder ay tatayong head coach ng dalawang teams sina Kenny Atkinson ng Cleveland Cavaliers at Mark Daigneault ng OKC Thunder. Ang kanilang mga assistant coaches naman ang magiging head coach ng dalawang natitirang teams.
Sa draft na ginanap noong February 6, maglalaro para sa Team Shaq sina Stephen Curry ng Golden State Warriors, Kevin Durant ng Phoenix Suns, LeBron James ng LA Lakers, Jayson Tatum ng Boston Celtics, Damian Lillard ng Milwaukee Bucks, James Harden ng LA Clippers, Jaylen Brown ng Boston Celtics, at Anthony Davis ng Dallas Mavericks. Dahil sa injury, papalitan si Davis ng kanyang Dallas teammate na si Kyrie Irving.
Nasa Team Kenny naman sina Anthony Edwards ng Minnesota Timberwolves, Jalen Brunson ng NY Knicks, Jaren Jackson Jr. ng Memphis Grizzlies, Jalen Williams ng OKC Thunder, Darius Garland ng Cleveland Cavaliers, Evan Mobley ng Cleveland Cavaliers, Cade Cunningham ng Detroit Pistons, at Tyler Herro ng Miami Heat.
Kasama naman sa Team Chuck sina Nikola Jokic ng Denver Nuggets, Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks (na papalitan ni Trae Young ng Atlanta Hawks dahil sa injury), Shai Gilgeous-Alexander ng OKC Thunder, Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs, Pascal Siakam ng Indiana Pacers, Alperen Sengun ng Houston Rockets, Karl-Anthony Towns ng NY Knicks, at Donovan Mitchell ng Cleveland Cavaliers.
Para sa Rising Star Challenge, hahawakan ng mga NBA Legends na sina Chris Mullin, Tim Hardaway, Mitch Richmond, at Jeremy Lin ang apat na teams. Sa Team Chris, kabilang sina Stephen Castle ng San Antonio Spurs, Ryan Dunn ng Phoenix Suns, Zach Edey ng Memphis Grizzlies, Keyonte George ng Utah Jazz, Trace Jackson-Davis ng Golden State Warriors, Dalton Knecht ng LA Lakers, at Jalen Wells ng Memphis Grizzlies.
Sa Team Mitch, kasama sina Toumani Camara ng Portland Trail Blazers, Bub Carrington ng Washington Wizards, Bilal Coulibaly ng Washington Wizards, Scoot Henderson ng Portland Trail Blazers, Yves Missi ng New Orleans Pelicans, Amen Thompson ng Houston Rockets, at Ausar Thompson ng Detroit Pistons.
Sa Team Tim, kabilang sina Anthony Black ng Orlando Magic, Tristan Da Silva ng Orlando Magic, Gradey Dick ng Toronto Raptors, Jaime Jaquez Jr. ng Miami Heat, Zaccharie Risacher ng Atlanta Hawks, Alex Sarr ng Washington Wizards, at Cason Wallace ng OKC Thunder.
Hahawakan naman ni Jeremy Lin ang Team G-League na binubuo nina JD Davison ng Maine Celtics, Mac McClung ng Osceola Magic, Bryce McGowens ng Rip City Remix, Leonard Miller ng Iowa Wolves, Dink Pate ng Mexico City Capitanes, Reed Sheppard ng Rio Grande Valley Vipers, at Pat Spencer ng Santa Cruz Warriors. Ang mananalo sa apat na teams na ito ang hahawakan ni Candice Parker upang sumabak laban sa teams nina Shaq, Kenny, at Chuck.
Para sa Slam Dunk Competition, kabilang sina dalawang beses nang Slam Dunk Champion Mac McClung ng Osceola Magic, Matas Buzelis ng Chicago Bulls, Stephen Castle ng San Antonio Spurs, at Andre Jackson Jr. ng Milwaukee Bucks.
Sa 3-Point Shootout Contest, lalahok sina Jalen Brunson ng NY Knicks, Buddy Hield ng Golden State Warriors, Damian Lillard ng Milwaukee Bucks, Cade Cunningham ng Detroit Pistons, Darius Garland ng Cleveland Cavaliers, Tyler Herro ng Miami Heat, Cameron Johnson ng Brooklyn Nets, at Norman Powell ng LA Clippers.