Epektibo na ang dagdag kontribusyon sa Social Security System (SSS) simula noong Enero 1, 2025.
Batay sa Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018, itinaas ang kontribusyon ng SSS sa 15% ngayong taon, alinsunod sa probisyong nagtataas ng one percentage point bawat dalawang taon simula noong 2019.
Sa bagong iskema, 10% ng kabuuang kontribusyon ang sasagutin ng mga employer, habang ang natitirang 5% ay babayaran ng mga manggagawa. Layunin ng pagtataas na ito na mapatatag ang pondo ng SSS at mapabuti ang mga benepisyo para sa mga miyembro.