Iniulat ng Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na umabot na sa mahigit P5 milyon ang naging pinsala nang nagdaang bagyong Kristine sa mga mangingisda sa lalawigan.
Batay sa datos na nakuha ng Philippine Information Agency MIMAROPA mula sa BFAR MIMAROPA, tinatayang 800 mangingisda ang naapektuhan sa buong rehiyon, kung saan 332 rito ay mula sa Romblon. Ang pinsala ay kinabibilangan ng mga nasirang bangka at fish cages dahil sa malalakas na alon.
Ayon kay Emmanuel Perez ng Planning Division ng BFAR, sinusuri na ang mga apektadong mangingisda bilang bahagi ng paghahanda sa distribusyon ng tulong mula sa Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF).
Sa buong rehiyon, umabot na sa P18 milyon ang naging pinsala ng pananalasa ng bagyo.