Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ayuda sa kabuuang 1,837 na mga mahihirap na residente ng Sibuyan Island, Romblon, sa ilalim ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Sa programang ito, umabot sa P9,185,000 ang naipamahagi ng DSWD.
Ayon kay Abegail Fetilo, team leader ng DSWD Romblon, ang halagang ito ay naipamahagi sa tatlong bayan ng Sibuyan Island.
Ang San Fernando ay nakatanggap ng P3,745,000 para sa 744 benepisyaryo; ang Cajidiocan ay nakatanggap ng P3,175,000 para sa 635 benepisyaryo; at ang Magdiwang ay may kabuuang P2,265,000 para sa 453 benepisyaryo.
Ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ay isang programa ng DSWD na naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga pamilyang nangangailangan, partikular sa mga low-income earners at informal workers na higit na naapektuhan ng mga krisis pang-ekonomiya o kalamidad.
Pinangunahan ng DSWD ang pamamahagi ng ayuda sa tatlong bayan ng Sibuyan Island na dinaluhan ni Congressman Eleandro Madrona upang sakskihan ang pamamahagi ng tulong pinansyal. Dumalo rin sa aktibidad sina Governor Jose Riano, Vice Governor Arming Gutierrez, at mga lokal na opisyal ng tatlong bayan ng San Fernando, Cajidiocan at Magdiwang.