Mahigit isang libong Sibuyanon ang muling nagkaisa at nagtipon para sa isang malawakang anti-mining rally sa San Fernando, Sibuyan Island noong Linggo.
Ang protesta ay bahagi ng patuloy na pagtutol ng mga residente laban sa banta ng pagmimina sa isla sa pinaniniwalaang magdudulot ito ng malubhang pinsala sa kanilang kapaligiran
Ang rally ay nilahukan ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang barangay ng San Fernando, kabilang ang Agtiwa, Mabini, Mabolo, España, Taclobo, Azagra, at Pili.
Kasama rin sa mga dumalo sina Sangguniang Bayan member Lyndon Molino ng Romblon at SB Daxie Rios ng San Fernando. Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Rios na noong nakaraang taon ay sinubukan siyang kausapin ng mining company tungkol sa kanilang operasyon sa isla, subalit nananatili siyang tutol sa pagmimina.
Kahit pa na sinabayan ng mainit at maulan na panahon ang rally, hindi nagpapatinag ang mga Sibuyanon sa kanilang panawagan sa lokal at pambansang pamahalaan na huwag ituloy ang pagmimina sa isla.