Layunin ng Land Transportation Office (LTO) na mabigyan ng student permit ang 348 na mga driver sa San Fernando, Romblon, upang sila ay makapagmaneho ng ligtas at legal sa mga kalsada.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng kanilang programa na naglalayong tulungan ang mga residente, lalo na ang mga wala pang lisensya, na makuha ang kinakailangang permit para makapagmaneho ng mga sasakyan.
Ngayong araw, sumalang na ang mga driver sa isang libreng theoretical driving course na inorganisa ng LTO Romblon sa San Fernando. Ang nasabing pagsasanay ay magtatagal ng dalawang araw at tututok sa mahahalagang aspeto ng ligtas na pagmamaneho, mga alituntunin sa kalsada, at tamang asal ng mga motorista.
Bukod pa rito, dala rin ng LTO caravan ang kanilang serbisyo para sa mga may lisensya na, tulad ng renewal ng driver’s licenses at iba pang mga serbisyo.
Layunin ng LTO na gawing mas accessible at maginhawa para sa mga residente ng San Fernando ang pagkuha ng linsensya dahil hindi na nila kailangang pumunta pa ng San Agustin o Odiongan para lang mag asikaso nito.