Walang naiulat na nasawi sa probinsya ng Romblon kasunod ng tumama rito nitong Sabado na magnitude 4.8 na lindol, ayon sa Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa panayam ng Super Radyo dzBB kay retired Colonel Roseller Muros, wala pang opisyal na report kaugnay sa datus ng pinsala ng lindol ngunit nakakasiguro sila na walang naiulat sa kanilang nasawi dahil dito.
Maliban sa ilang nadulas at nasugatan na iniulat ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic sa isang facebook live nitong Sabado ng gabi.
Samantala, hindi muna pinadadaanan ang Bariri Bridge sa bayan ng Ferrol matapos magkaroon ng cracks.
Sinabi rin ni Muros na tuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon sa bayan ng Odiongan at Ferrol na nakaramdam ng Intensity V at Intensity IV.