Upang higit na mahubog ang kultura ng kahandaan sa rehiyon ng MIMAROPA, iba’t-ibang pagsasanay ang isinasagawa ng mga ahenisya na may kinalaman sa disaster and risk management.
Kaugnay nito, nagsagawa kamakailan ng five-day Management of the Dead and Missing (MDM) Coaches’ Training sa La Primera Grande Beach Resort, Roxas, Oriental Mindoro upang sanayin ang mga miyembro ng MDM Oriental Mindoro Cluster; kasama ang mga MDRRMO; PDRRMO at mga kawani ng mga ito hinggil sa mga konsepto, sistema ng MDM.
Ilan sa mga naging tagapagsalita sa naturang gawain ay ang mga National at Regional Level Coaches mula sa DILG MIMAROPA at sa mga kaugnay na ahensiya na may kinalaman sa MDM.
Binuo ang limang araw na pagsasanay ng talakayan hinggil sa MDM at simulation exercises kung saan ginamit ng mga kalahok ang mga natutunang konsepto at kaalaman sa naturang pagsasanay sa pag responde sa isinagawang pagsasadula ng isang sitwasyon ng kalamidad. (JJGS/PIA MIMAROPA)