Kasabay nang pagbubukas ng biyahe ng eroplano sa Romblon ay nagsagawa ng Familiarization Tour sa probinsya ang Department of Tourism (DOT) MIMAROPA katuwang ang Romblon Provincial Tourism Office nitong September 25 hanggang 27.
Dito ay inikot sa iba’t ibang sikat na pasyalan sa probinsya ang mga bisita mula sa DOT Mimaropa kasama ang mga kinatawan ng Philippine Tour Operators Association (PHILTOA), Philippine Travel Agency Association (PTAA), travel and tour operators mula sa NCR, at ilang mga content creators.
Bahagi rin ng 4-day familiarization tour ay ang pagkakaroon rin ng Business-to-Business Matching para sa AirSWIFT at iba’t ibang private stakeholders sa probinsya.
Ayon sa DOT Mimaropa, nagpresenta rin ng mga plano para sa turismo ng probinsya si Sandi Rodenas ng Romblon Provincial Tourism Office kagaya ng pag-focus nila sa market development at promotions.
Nagbahagi rin ng mga insights ang mga dumalo kung ano pa ang dapat i-improve ng probinsya para mas mapalago ang turismo rito.