Nagkaroon ng libreng pop smear test ang lokal na pamahalaan ng Looc sa kanilang mga babaeng empleyado noong huling araw ng Women’s Month bilang bahagi sa pag-obserba nito.
Ayon sa Looc Public Information Office, ang programang ito ng lokal na pamahalaan ay para masiguro na napapangalagaan ng mga kawaning babae ng LGU ang kanilang kalusugan.
Isinagawa ang nasabing aktibidad sa Clinica Fineza sa pangunguna ni Dr. Diana Lee Ngo Fineza, isang Obgyn/Sonologist.
Ang pap smear screeing ay isang pamamaraan kung saan ang isang maliit na brush ay ginagamit upang dahan-dahang alisin ang mga cell mula sa ibabaw ng cervix at ang lugar sa paligid nito upang masuri ang mga ito sa ilalim ng mikroskopyo para sa cervical cancer o mga pagbabago sa cell na maaaring humantong sa cervical cancer.
Ang pap smear ay maaari ring makatulong sa paghahanap ng iba pang mga kondisyon, tulad ng mga impeksyon o pamamaga.