• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 20, 2026
28 °c
Romblon
27 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    San Agustin Central ES, sinimulan na ang implementasyon ng DOST’s Project e-TURO

    San Agustin Central ES, sinimulan na ang implementasyon ng DOST’s Project e-TURO

    PhilHealth Romblon at DOH, palalakasin ang koordinasyon para mapahusay ang serbisyong pangkalusugan

    PhilHealth Romblon at DOH, palalakasin ang koordinasyon para mapahusay ang serbisyong pangkalusugan

    Mahigit 280 kababaihan, sumailalim sa breast at cervical cancer screening sa Odiongan

    Mahigit 280 kababaihan, sumailalim sa breast at cervical cancer screening sa Odiongan

    San Andres, namahagi ng 700 sako ng de-kalidad na binhi ng palay sa mga magsasaka

    San Andres, namahagi ng 700 sako ng de-kalidad na binhi ng palay sa mga magsasaka

    Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

    13 PhilHealth GAMOT facilities, accredited na sa iba’t ibang bayan ng Romblon

    Odiongan Watershed, isinusulong na lugar para sa biodiversity conservation

    Odiongan Watershed, isinusulong na lugar para sa biodiversity conservation

    Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

    PhilHealth Romblon, target maglagay ng assistance desks sa mga pangunahing isla sa 2027

    Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

    Mahigit 300K Romblomanon, rehistrado na sa PhilHealth

    Romblon, may direct flight na patungong Clark

    Sunlight Air, itutuloy ang Clark-Romblon flights sa Disyembre

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Todo Pina: Hataw Na!

    Todo Pina: Hataw Na!

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
27 ° Sat
28 ° Sun
28 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home News National News

14 bansa muling iginiit ang bisa ng 2016 Arbitral Award sa ika-10 anibersaryo nito

PNAbyPNA
July 12, 2026
in National News
Reading Time: 9 mins read
33
0
14 bansa muling iginiit ang bisa ng 2016 Arbitral Award sa ika-10 anibersaryo nito
Share on FacebookShare on Twitter

Muling iginiit ng 14 na bansa ang bisa ng 2016 Permanent Court of Arbitration (PCA) ruling sa South China Sea kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo nito, at muling tinutulan ang malawak na maritime claims ng China batay sa tinatawag nitong “historic rights.”

Sa isang magkasanib na pahayag, sinabi ng Pilipinas, Australia, Canada, Estonia, Germany, Italy, Japan, Latvia, Lithuania, New Zealand, Romania, Slovenia, United Kingdom, at United States na nananatiling pinal, may bisa, at legal na umiiral ang arbitral ruling sa pagitan ng Pilipinas at China.

Binigyang-diin ng mga lumagda na ang lahat ng alitan sa karagatan ay dapat lutasin sa mapayapang paraan at alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Muli ring pinagtibay ng mga bansa ang kanilang suporta sa isang malaya, bukas, mapayapa, matatag, at rules-based Indo-Pacific, gayundin ang kahalagahan ng kalayaan sa paglalayag, overflight, at iba pang lehitimong paggamit ng karagatan sa ilalim ng international law.

Noong July 12, 2016, ibinasura ng arbitral tribunal ang malawak na “nine-dash line” claim ng China at nagpasyang walang legal na batayan ang pag-angkin nito ng “historic rights” sa malaking bahagi ng South China Sea sa ilalim ng UNCLOS.

Kinilala rin ng tribunal na ang Panganiban Reef (Mischief Reef) at Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Sa kabila ng desisyon, patuloy na hindi kinikilala ng China ang arbitral award at ipinagpapatuloy ang mga aktibidad nito sa pinag-aagawang karagatan, kabilang ang mga insidente ng komprontasyon sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa kanilang pahayag, tinutulan din ng 14 na bansa ang anumang unilateral, mapilit, o marahas na hakbang na nagbabanta sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon, kabilang ang paggamit ng coast guard, military, at maritime militia vessels upang harasin o hadlangan ang lehitimong operasyon ng ibang mga bansa sa dagat at himpapawid.

Nanawagan din ang mga lumagda sa lahat ng panig na igalang ang 2016 Arbitral Award at resolbahin ang mga sigalot sa pamamagitan ng diyalogo at iba pang mapayapang mekanismo na naaayon sa pandaigdigang batas.

Muli rin nilang ipinahayag ang suporta sa adhikain ng ASEAN na gawing “dagat ng kapayapaan, katatagan, kooperasyon, at kasaganaan” ang South China Sea sa pamamagitan ng malaya at lehitimong kalakalan at kooperasyon. (Darryl John Esguerra)

Tags: Headlines

Related Posts

Mga samahan ng magsasaka sa Romblon, lumagda sa MOA para sa RCEF Mechanization Program

Mga samahan ng magsasaka sa Romblon, lumagda sa MOA para sa RCEF Mechanization Program

November 19, 2026
DOE, hinimok ang publiko na ireport ang gasolinahang hindi sumusunod sa oil price rollback

Presyo ng diesel at gasolina, muling bababa sa Martes, Nov. 17

November 16, 2026

Popular Stories

  • Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    Libreng dialysis treatment sa San Agustin, iniaalok sa mga pasyenteng Romblomanon

    57 shares
    Share 23 Tweet 14
  • Madrona, pinasalamatan ang mga konsehal sa suporta sa paglilipat ng RPH sa DOH

    30 shares
    Share 12 Tweet 8
  • PNP, iniimbestigahan ang ‘viral’ rumble ng mga kabataan sa Batiano

    229 shares
    Share 92 Tweet 57
  • Estudyante, nasawi matapos bumangga ang motorsiklo sa puno ng niyog sa Calatrava

    1063 shares
    Share 425 Tweet 266
  • Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

    308 shares
    Share 123 Tweet 77
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Starlite Ferries ilulunsad ang bagong rutang Romblon–Aklan

Nawawalang mangingisda sa Quezon, natagpuang ligtas sa Romblon

MSMEs sa Odiongan, humina ang bentahan kasunod ng pagbubukas ng bagong shopping center

TRENDING FOR THE MONTH

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Clerk ng korte sa Romblon, sinibak ng Supreme Court dahil sa nawawalang ₱598,444 na pondo

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up