Nagsagawa ng clearing at dewatering operations ang mga opisyal at kawani ng Barangay Poblacion sa bayan ng Alcantara nitong July 12 matapos magdulot ng pagbaha ang malalakas na pag-ulan dulot ng pinaigting na habagat.
Gumamit ang mga kawani ng barangay ng pump generators upang mapabilis ang pagpapatuyo ng mga binahang lugar sa pamamagitan ng pagsipsip at pag-aalis ng mga naipong tubig sa mga kalsada at residential areas.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng kanilang agarang pagtugon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, mabawasan ang pinsala sa mga ari-arian, at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na karaniwang dulot ng maruming tubig, tulad ng leptospirosis at dengue.
Samantala, sinabi rin ng lokal na pamahalaan na nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residenteng pansamantalang inilikas matapos humupa ang baha at bumuti ang lagay ng panahon nitong Linggo.
Sa ngayon, bumalik na sa normal na level ang tubig sa mga ilog sa nasabing bayan.



































Discussion about this post