Noong December 16, umabot sa 1,203,830 sa Mimaropa ang bilang ng nagparehistro sa Philsys, ayon kay Philippine Statistics Authority Mimaropa Regional Director Leni Rioflorido.
Ito ay kumakatawan sa 77.60 percent ng 1,551,411 na target nila maiparehistro.
Sa Marinduque, ang mga naitala na ay 48,064; Occidental Mindoro 171,697; sa Oriental Mindoro, 323,261; sa Palawan, 622, 931 at sa Romblon, 37,877.
Dagdag pa ni Rioflorido, mas marami pa sanang maaabot ang Philippine Statistics Authority-Mimaropa na mga kababayan para mabigyan ng Philippine Identification System o kung tawagin ay Philsys ID o National ID kung hindi lang sa pandemya at sa bagyong Odette.
Nilalayon ng Philsys ID o National ID Na na mapadali ang pagkuha ng mga serbisyo ng pamahalaan at transaksyon sa mga establisimento.
Kaya naman hinimok ni Director Rioflorido ang mga kababayan na tangkilikin ang National ID para ganap nila mapakinabangan ang mga serbisyo ng Pamahalaan. (LP)