Pito katao kabilang ang 3 menor-de-edad ang naaresto ng mga tauhan ng San Agustin Municipal Police Station sa Barangay Bachawan sa bayan ng San Agustin nitong October 31 dahil sa iligal na patupada.
Sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tip na nagkakaroon ng iligal na patupada sa Sitio Ilaya kaya agad itong pinuntahan ng mga kapulisan sa pangunguna ni Lt. Eric Herald Faigao.
Habang papalapit ang mga pulis, agad na kumaripas ng takbo ang mga tao sa lugar ngunit nahabol ang ilan sa kanila ng pulisya.
Nakuha sa kanila ang limang panabong na manok, at mga pera.
Dinala ang mga naarestong suspek sa San Agustin Municipal Police Station at mahaharap sa kaukulang kaso.