Binuksan kahapon ang ika-dalawang Malasakit Center sa probinsya na matatagpuan sa Romblon District Hospital sa bayan ng Romblon.
Sa maikling virtual program na ginanap nitong Martes, pinasalamatan ni Governor Jose Riano sina President Rodrigo Duterte at si Sen. Bong Go sa pagtugon ng kanilang opisina upang mabigyan ng isa pang Malasakit Center ang probinsya.
Sinabi rin ng Gobernador, meron umanong P2M alloted budget kada-buwan sa probinsya at bawa’t pasyente ay pwedeng mag-avail hanggang P50,000 kada hospitalization.
Ang serbisyo at tulong ng Malasakit Center ay nakatuon sa a mga mahihirap na pasyente, PWDs, senior citizens, solo parent, at 4Ps beneficiary. Hangad nito na matulungan ang bawa’t hikahos na Pilipino sa panahon na ma-ospital at iba pang pangangailangang medikal.
Limampung libong piso (50,000 pesos) ang nakalaan para sa mga admitted patients at sampung libong piso (10,000 pesos) para sa Out Patient (OPD). Ito ay magagamit sa mga serbisyo sa loob ng hospital katulad ng gamot, laboratoryo at CT Scan.
Ang unang Malasakit Center ay inilagay sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan noong nakaraang taon at pinakikinabangan ng mga pasyente ng nasabing ospital.