Anim katao kabilang ang ilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Social Amelioration Program, ang naaresto ng mga tauhan ng San Agustin Municipal Police Station nitong Linggo matapos maaktuhang naglalaro ng Pusoy.
Kinilala ang mga naaresto na sina Maricel Galindez Garachico, 36; Erna Manga Miñeque, 56; Leonida Ruado Manga, 50; Jocelyn Ravalo Gallos, 35; Ermon Manga Mineque, 33; Arden Maduro Manzano, 25; Rebecca Mayo Rocero, 24; at Gloria Montesa Salivio, 56.
Ayon sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, nakatanggap sila ng tip sa isang concerned citizen na may nangyayaring illegal gambling activity sa Barangay Doña Juana kaya agad silang pumunta para berepikahin ang ulat.
Pagdating umano ng mga pulisya, naaktuhan nilang naglalaro ang anim ng Pusoy sa loob ng isang bukas na Kubo, kung saan dikit-dikit at walang naobserbahan na social distancing.
Tatlo sa mga naaresto ay mga benepisyaryo ng 4Ps, habang isa naman sa kanila ay kakakuha lang ng kanyang 5,000 mula sa Social Amelioration Program.
Nakuha sa mga suspek ang isang deck of cards, at mga pera na ginagamit umanong pamusta.
Dinala na ang mga naaresto sa San Agustin Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa presidential decree 1602 ammeded by RA 9287; at paglabag sa Section 9e ng RA 113322.