Magsisimula ng bumiyahe ang bus ng Ceres Transport patungong Romblon at pabalik ng Manila sa darating na October 16, Martes, ayon kay Ms. Marie Ann Santerva, Admin Manager ng Ceres Transport.
Ayon kay Santerva, magkakaroon ng dalawang ruta ang kanilang bus patungong Romblon araw-araw, una ang Manila to Tablas via Batangas (direct) at ang Manila to Tablas via Roxas, Oriental Mindoro.
Narito ang kanilang Matrix ng pamasahe:
Route | Fare |
Manila to Odiongan | P1,150 |
Manila to Santa Fe | P1,300 |
Manila to Alcantara | P1,300 |
Manila to Santa Maria | P1,350 |
Manila to San Agustin (via San Andres) | P1,400 |
Manila to Calatrava | P1,300 |
Manila to San Andres | P1,250 |
Manila to Looc | P1,250 |
Para sa mga pasahero, mangagaling ang mga bus ng Ceres Transport mula sa Grand Terminal sa Batangas City, Araneta Bus Port at Ceres Terminal sa Cubao, BFCT Transport Terminal sa Marikina, Transpark Terminal sa Alabang, at JAC Liner Terminal sa Turbina sa Calamba.
Samantalang ang mga biyaheng Manila naman galing Tablas ay pwedeng mag-antay lang sa highway dahil mag-iikot sa isla ang mg abus ng Ceres.
Para sa mga reservation, maari kayong tumawag o magtext sa kanila sa 09351742389, 09557622799, at sa 09177712070.