Nakatanggap nitong nakaraang araw ang anim na bayan sa lalawigan ng Romblon ng mga portable ultra sound devices galing sa Department of Health – MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).
Pinangunahan ni DOH-MIMAROPA Regional Director Eduardo Janairo ang pagbibigay ng portable ultra sound devices na may kasamang tablet device para makatulong umano sa mandato na mabigyan umano ng dikalidad na healthcare para sa mga nasasakupan ng anim na bayan.
““The portable ultrasound device, as a basic medical equipment, will provide local health facilities the means to improve the delivery of primary care in their respective areas, especially those under the Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDA) of the region,” pahayag ni Janairo sa isang press statement.
“The selected health facilities that were given the device are primary health care providers. This is only the first batch of donees, we will continue to assess local health units and continue to give proper training for health workers on the use of these devices to enable them to readily extend their services to patients,” dagdag pa nito.
Ang mga nakatanggap ng libreng portable ultra sound devices sa probinsya ay ang mga bayan ng San Jose, Concepcion, Romblon, San Fernando, Banton, at Corcuera. Samantala, nakatanggap rin ng parehong devices ang ilang bayan sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, at Palawan.
Ayon sa Department of Health MIMAROPA, ang nasabing portable ultra sound devices at wireless scanner at pwedeng magamit sa iba’t ibang device kagaya ng iOS at Android device.
Nagpasalamat naman ang mga alkalde ng mga nabanggit na bayan sa DOH-MIMAROPA dahil malaking tulong umano ito sa mga bayan na kakaunti ang health facilities kagaya ng mga island municipalities ng Corcuera, Banton, San Jose, at Concepcion.