Bigo paring makakita ng bakas ng bumagsak di umanong eroplano sa San Agusin, Romblon ang mga tauhan ng San Agustin Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Coast Guard, PNP.
Sa search operation na ginawa nila kaninang alas-8 ng umaga, bigo parin ang awtoridad na makakita ng kahit oil spill ng eroplano na sinasabing ng mga residente ng bumagsak sa dagat na bahagi ng Barangay Binonga-an, San Agustin, Romblon kahapon ng umaga.
Ayon kay San Agustin Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Giovanni Fondevilla Jr., itinigil na nila ang kanilang search operation kaninang 11:45AM dahil “para lang umano silang naghahanap sa wala”.
“Negative talaga Paul eh, wala talaga kaming makitang evidence to prove na there was an aircraft na nag crash sa site… Kahit debris wala rin,” pahayag ni Fondevilla.
Sinabi naman ni Fondevilla na maaring drone ang bumagsak sa Romblon.
“Possibility, it might be a drone or it might be, kasi nung time na yun kahapon ay sobra yung kulog at hangin, so there was a possibility na kidlat rin na doon nag struck sa dagat,” dagdag ni Fondevilla sa phone interview.
Wala rin umanong nai-report ang CAAP na nawawalang aircraft at kompleto rin umano ang mga aircrafts kaya duda sila na eroplano nga ang bumagsak.