Kwinestiyon ng Commission on Audit (COA) ang munisipyo ng Concepcion, Romblon dahil sa pagbibigay ng loan sa mga opisyal at empleyado ng munisipyo.
Ayon sa 2016 Annual Audit Reports ng COA para sa bayan ng Concepcion, sinabing aabot sa P798,000.00 ang pera ng bayan na pinautang ng munispyo para sa kanilang mga empleyado at opisyal ng bayan.
Dagdag pa ng COA, pinayagan ang loan kahit walang legal basis at kontra sa Section 305(b) ng Republic Act No. 7160.
Nakasaad sa Section 305(b) ng RA 7160 na ang mga local government funds ay pwedeng gamitin lamang sa ‘public purposes’.
“This practice is in contravention to the above-mentioned provision. Every public official and employee shall always uphold public interest over above personal interest.” nakasaad sa COA Report.
“Granting loans to Municipal employees unduly burdened the Municipality’s cofferes and likewise caters only their personal interest, thereby, dpriving the public of their right to benefit from programs/projects had the fund was effectively carried out and delivered to the entire public” dagdag pa sa COA Report.
Ayon sa rekomendasyon ng Commission on Audit, dapat ng itigal ng Mayor ng Concepcion ang pagbibigay ng loan sa mga opisyales at empleyado ng munisipyo.
Patuloy na kinunan ng Romblon News Network ng reaksyon ang alkalde ng Concepcion, Romblon kaugnay rito.
{googleads center}