Dinalaw at binigyan ng regalo ng Commission on Population (POPCOM) si Lewis Miguel Magsino, ang marka ng ika-100th Million Baby ng Pilipinas sa lalawigan ng Romblon.
Masayang tinanggap ni Lewis Miguel Magsino na ngayo’y 3-taong gulang na ang mga regalong sapatos, pagkain, gatas at bike ng Commission on Population sakanya.
Ayon sa ina ni Lewis Miguel, sobrang saya at overwhelmed dahil unexpected umano ang lahat.
“Sobrang Saya, overwhelmed talaga kasi unexpected talaga (mapabilang sa 100th million ng pilipinas). Sa lahat ng anak siya yung pinakamahirap na [mai]anak, kasi nag 50-50 ako sakanya tapos 1-week akong nagpa-alaga sa Ospital”.
Si Lewis Miguel ay bunso sa apat na magkakapatid at pinanganak ng July 27, 2014.
Ayon naman kay Commission on Population MIMAROPA Assistant Regional Director Marilyn F. Ogaya, plano umano nilang imonitor ang lahat ng napabilang sa 100th Million Baby Mark ng Pilipinas hanggang sa sila ay tumanda.
“We will visit them every now and then para mamonitor kasi we want them to be a responsible individual,” ayon kay ARD Ogaya.
Hindi naman umano laging may regalo silang mabibigay pero patuloy parin nilang i-momonitor ang mga bata.
{googleads center}
Ang pagmonitor umano sa mga Symbolic baby sa buong bansa ay bahagi ng Philippine Population Management Program (PPMP) ng Commission on Population.