Nagsisimula ng mabulok ang isa sa mga centennial tree sa bayan ng San Agustin.
Kahapon, ilang sanga ng mahigit 100 taong puno ng acacia ang pinutol ng mga pinaghihinalaang tauhan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO) dahil sa logo ng dala nilang truck.
Ang mga nasabing sanga kasi ay wala ng laman at marupok na at maaring oras nalang ang bibilangin ay babagsakito sa kalsada.
Ang pagputol sa mga sanga ay para umano makaiwas ang mga residente ng San Agustin sa Aksidente gayun na rin ang maiwasang pagkasira ng mga linya ng kuryenteng nasa ilalim ng mga sanga.
Ayon sa Tablas Island Electric Cooperative Inc., kalimitang dahilan ng power interruption sa Tablas Island ay ang mga sanga ng punong bumabagsak sa mga linya ng kuryente lalo na ang mga sanga ng niyog.
{googleads center}