Tinanggal na ng pamunuan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang itinaas nitong Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa lalawigan ng Romblon ngayong alas-5 ng hapon.
Batay sa 5pm forecast ng PAGASA, namataan ang bagyon Karen sa 155 km East Northeast ng Infanta, Quezon.
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Warning Signal #1 sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Abra, Kalinga, Rest of Isabela, Southern Apayao, Southern Cagayan, Oriental Mindoro, Cavite, Batangas, Laguna, Marinduque, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, at Burias Island.
Signal #2 naman sa mga lugar ng Ilocos Sur, Southern Isabela, Mt Province, Ifugao, Rest of Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Metro Manila, Rest of Quezon, at Camarines Norte.
Habang Signal #3 ang mga lugar ng Pangasinan, Northern Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Northern Quezon kasama ang Polilio Island, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya at Quirino.
Ang bagyong Karen ay may lakas ngayong 140 kph malapit sa gitna, at may bugsong lakas na aabot sa 195kph. Tumatakbo ito West Northwest sa bilis na 22kph.