Sa patuloy na paglaban ng Romblon Provincial Police Office sa iligal na droga sa pamamagitan ng kampanya sa mga tao, nagsagawa sila ng Zumba Party and Lakad-Takbo sa bayan ng Romblon, Romblon nitong Sabado.
Ang nasabing event na may temang “Pagkakaisa para sa Hamon ng Pagbabago, Droga Puksain para sa Bayan na Panalo” ay bahagi ng kaniang Anti-Illegal Drugs Awareness Campaign and Best Practices for Illegal Drugs Surrenderors.
Alas-kwatro palang ng hapon nagtipon-tipon na ang mga kalahok galing sa Romblon MPS, Philippine Coast Guard and Canine Unit, DepEd, Bureau of Fire Protection, Mga guro at estudyante ng Romblon National High School, Parish Youth Council, National Food Authority, Regional Trial Court, Romblon Water District, Mga Senior Citizens, Local Government Unit ng Romblon, ROMBTODA, Wellness Moms, Romblon Hikers, Romblon Bikers Club, stakeholders, iba pang NGOs at Red Cross of the Philippines Romblon Chapter.
Matapos ang takbuhan nagsagawa naman ng Zumba Dance na pinangunahan ng guro ng Romblon National High School.
Ang nasabing programa ay isa ring fund raising activity para na rin may magamit na panggastos ang Romblon PPO sa kanilang mga operasyon at aktibidad lalo na ang Community Relations project.