Humihingi rin ng specific guidelines ang Commision on Audit kung paano binibigyan ng Local Government Unit ng Romblon ang kanilang mga empleyado ng cellular call cards.
Sa report ng Commision on Audit, nitong 2015, umabot umano ng P2.2-million ang nagastos ng pamahalaang lokal ng Romblon para lang sa cellular loads na ibinibigay nila sa kanilang mga opisyal at rank & file employees.
Sa ginawang beripikasyon ng COA, lumalabas na regular allowance ng mga opisyal at empleyado ng munisipyo kada buwan ang nasabing cellular loads.
Ayon pa sa report ng COA, P702,118 ang nagastos ng municipal officials at department heads habang P1,514,332 naman ang naibigay sa rank at file employees ng munisipyo. May kabuoan itong P2,216,450.
“We restate our previous recommendation that, in order to avoid abuse and indiscriminate granting, the municipality formulate, adobpt, and issue a clear specific written guidelines on the grant of cellular phone cards/load allowances with a clear cut on the officials and employees entitled and the corresponding amount of entitlement of each privileged recipient.” pahayag ng COA sa kanilang report.
Ayon pa sa COA, dapat umanong siguraduhin ng Municipal Accountant na ang lahat ng claims para sa cellular phone cards/load allowances ay suportado ng hindi expired na cell cards.
Patuloy naman na kinukuha ng Romblon News Network ang pahayag ng pamunuan ng Local Government ng Romlon kaugnay rito.
Sa bayan ng Cajidiocan, umabot rin sa mahigit P1-M ang kanilang nagastos sa telephone expenses.
Batay sa COA, ang telephone expenses sa bayan ng Looc ay umabot din ng P652,000 habang sa bayan ng Magdiwang ay umabot sa P725,789.