Arestado matapos mahulihan ng awtoridad ang isang lalaki ng hinihinalang shabu at ilan pang drug paraphernalia sa kanyang bahay sa bayan ng Odiongan.
Sa kinasang operation ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., sa pakikipagtulungan ng Romblon PPO – Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG) sa bisa ng isang search warrant, nakuha sa suspek na kinilalang si Aries Yap, 32 taong gulang ang apat na pakete na may lamang hinihinalang shabu, mga foils, at mga empty sachets.
Nakuha sa ang ilang foils at plastic sa loob ng mga plastic apparador sa loob ng kwarto ng bahay ni Yap sa Sitio Torrel, Barangay Dapawan, Odiongan, Romblon habang sa may bintana naman nakuha ang apat na sachet ng shabu na nakalagay sa lagayan ng isang memory card.
Pahayag ni Yap, hindi sa kanya ang mga nakuhang plastic na may lamang shabu ngunit aminado siya na sakanya ang mga foils at empty sachets.
Ayon sakanya, gumagamit umano siya ngunit hindi sinagot ang tanong ng media kung kelan siya huli-huling gumamit.
Ayon naman kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ng Odiongan Municipal Police Station, sumuko na ang suspek nitong July sa Oplan Tokhang ng pulisya ngunit napag-alaman nilang patuloy parin umano sa bisyo at paggamit ng droga ang suspek kaya humiling sila ng search warrant sa korte.
Nakakulong na ang suspek sa Odiongan Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilalang Dangerous Drugs Act of 2002.