by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Monday, 25 April 2016
Lumahok at nakiisa ang mga kawani ng kapitolyo at national government agencies (NGAs) sa 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill na isinagawa sa Capitol Building sa bayan ng Romblon.
Ang 1st Quarter-PAGYANIG 2016 ay pinangunahan ng mga kinatawan ng Office of Civil Defense (OCD)-MiMaRoPa, RDRRMC-4B at tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Ang pakikiisa ng Romblon sa pangkalahatang earthquake drill ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Philippine Red Cross, Army Reservist at Department of Science and Technology-Provincial Science and Technology Center.
Sinabi ni Engr. Antonio P. Sarzona, PDRRM Officer, isinabuhay ng mga empleyado ng pamahalaan ang wastong paglabas sa isang gusali kung saan sabay-sabay itong nag-DUCK, COVER at HOLD na siyang dapat gawin kung sakaling may maganap na paglindol.
Ipinakita rin sa aktibidad na ito kung gaano kahanda ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan sa pagsagip ng buhay at mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng ng mga taong apektado.
“Ang kooperasyon ng lahat tungo sa hangaring “resilient and prepared community” ay kayang-kayang gawin kung ang nagkakaisa lamang tayong lahat ,” ayon kay Sarzona.