• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Sunday, October 25, 2026
28 °c
Romblon
29 ° Mon
29 ° Tue
28 ° Wed
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Ika-82 anibersaryo ng Battle of Sibuyan Sea, ginunita sa Alcantara

    Ika-82 anibersaryo ng Battle of Sibuyan Sea, ginunita sa Alcantara

    Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    Gaytano, isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan sa Looc

    Gaytano, isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan sa Looc

    PBBM, hinimok mga LGU na ipagpatuloy ang paglikha ng makabagong solusyon para sa komunidad

    PBBM, hinimok mga LGU na ipagpatuloy ang paglikha ng makabagong solusyon para sa komunidad

    DILG MIMAROPA, nilinaw ang pagpaparada ng mga sasakyan sa parking area ng PEGASUS

    DILG MIMAROPA, nilinaw ang pagpaparada ng mga sasakyan sa parking area ng PEGASUS

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    1.93 Milyong pasahero, inaasahang daraan sa mga pantalan ngayong UNDAS

    Hontiveros sa AICS: Hindi dapat palakasan

    Hontiveros sa AICS: Hindi dapat palakasan

    DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

    DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

    Dela Cruz, hinimok ang mga pulis sa Romblon na panatilihin ang propesyonalismo

    Dela Cruz, hinimok ang mga pulis sa Romblon na panatilihin ang propesyonalismo

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
29 ° Mon
29 ° Tue
28 ° Wed
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Replay lang!

Romblon NewsbyRomblon News
May 20, 2019 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 19 mins read
6
0
Photo Courtesy: TV5/Interaksyon
Share on FacebookShare on Twitter

Heto na naman tayo. Minsan pa, nabalot na naman ng pagdududa ang resulta ng katatapos lang na halalan dahil sa mga kapalpakan na puwede naman sigurong maiwasan kung kakaririn ika nga ng mga opisyal ng Commission on Elections ang kanilang trabaho at tungkulin: ang gawing malinis at kapani-paniwala ang halalan, parang replay lang sa mga naunang halalan.

Pero bago ‘yan, aba'y palakpakan natin at bigyan ng pagpupugay ang mga dakila nating guro na muling nagbantay at nagtiis sa init… hindi lang ng panahon kung hindi maging ng ulo ng mga botante. Kadalasan kasi, kapag may palpak sa proseso ng halalan sa mga presinto o paaralan, ang napagbubuntunan ng inis ng mga tao eh ang mga guro.

Gaya halimbawa na maaatraso ang simula ng botohan dahil may mga vote counting machine o VCM na hindi gumana, nawawala sa listahan ang botante o hindi makita ang pangalan, walang panulat o pangmarka ng boto at iba pa. Hindi naman kasalanan ‘yan ng mga guro pero sila pa rin ang tatanungin at sisisihin dahil sila ang nandoon at namamahala sa botohan.

Mabuti na lang at wala pa tayong seryosong insidente na may mga guro na nasaktan sa katatapos na halalan. Kaya sana naman, huwag pag-antayin nang matagal ang mga guro at ipagkaloob na kaagad sa kanila ang maliit na allowance na nararapat na para sa kanila. Aba'y balita natin na kakapiranggot lang ang allowance na nila pero mukhang kakaltasan pa ng buwis.

Samantala, mula nang gamitin ang automated system sa pagboto at pagbibilang ng mga boto noong 2010, hanggang ngayon eh hindi pa rin mawala-wala ang mga kapalpakan; mga kapalpakan na nagdudulot ng pagdududa sa resulta ng halalan. Iniisip nga ng iba na mas masahol pa sa “dagdag-bawas” noong panahon ng “mano-manong” bilangan ng boto ang pinagdududahan na high-tech na “dagdag-bawas.”

Sabi ng kurimaw natin na natalo ang ilang senatoriables na kaniyang ibinoto, napabilis nga ang bilangan sa automated polls pero baka raw napabilis din kaya ang dayaan? Dati kasi sa mano-mano, inaabot ng isang linggo bago malaman kung sino sa mga senatorial candidates ang mananalo. Kadalasan, ang mga boto na galing sa Mindanao ang huling dumadating at nabibilang.

Kaya kung malapit nang matapos ang bilangan at wala pa ang mga boto sa Mindanao, mababalitaan mong nagliliparan na patungong Mindanao ang mga tinatawag na “operator” ng mga kandidatong tagilid na manalo para “makapamili” ng boto. Naging bali-balita pa nga noon mga tsong na nagkakaroon ng “bidding” sa presyo ng mga boto, o kaya naman eh unahan sa pag-shopping.

Pero sinasabing nawala na ang bilihin ng boto dahil nga computerized na ang halalan. Nawala na nga ba o nagkaroon lang ng bagong sistema na mas high-tech? Iyan ang tanong ng ilang botante at maging ng ilang kandidato. Ang senatorial candidate na si Neri Colmenares nga eh hindi raw magko-concede o tatanggap ng pagkatalo dahil sa paniwala niya na nagkaroon ng dayaan.

Hindi natin siya masisisi at maging ang ibang tao na mag-isip nang hindi maganda sa naging resulta ng halalan. Bakit nga naman hindi, aba'y napakaraming SD card na pinaglalagyan ng datos ng boto ang hindi gumana, may mga VCM na pumalya, at ang “transparency server” na magpapakitang “transparent” ang pagdating ng mga boto, aba'y ilang oras na pumalya rin.

Kung bakit ba naman kasi na tuwing ikatlong taon lang naman may eleksyon eh hindi magawa ng Comelec na gawing pulido ang lahat; na walang SD card na masisira, lahat ng VCM ay gagana, at tuloy-tuloy ang daloy ng boto sa transparency server na makikita ng media at kanilang inilalathala ang resulta ng bilangan.

Para sa Comelec, madaling sabihin na walang dayaan at “glitch” lang o maliit na problema lang ang nangyari. Pero sa mga karaniwang tao na hindi madaling makaintindi ng mga teknikal na paliwanag na may kaugnayan sa computer at electronics, aba'y maiiwan na isip nila ang pagdududa.

Isa sa mga paraan na gagawin para malaman kung tugma ba ang bilang ng mga boto ng mga makina o VCM ay ang “random manual audit.” Dito eh mano-manong bibilangin ang boto sa mga mapipiling presinto para ikumpara sa binilang ng VCM. Hirit ng ating kurimaw, bakit hindi kaya isama sa manual audit ang mga lugar na pumalya ang mga SD card para mawala ang pagdududa ng mga tao na baka napalitan ang resulta ng halalan doon.

Ang Senado, nagtakda na ng araw kung kailan isasagawa ang imbestigasyon tungkol sa mga nangyaring kapalpakan. Dapat alamin nila ang katotohanan tungkol sa mga naging problema at “glitch” at tiyakin na walang “magic” sa computerized elections lalo pa't tatlong mula ngayon eh maghalal tayo ng bagong pangulo.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

    HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

    1968 shares
    Share 787 Tweet 492
  • DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

    44 shares
    Share 18 Tweet 11
  • Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    39 shares
    Share 16 Tweet 10
  • Hataw Shopping Center sa Odiongan, ‘Good to Go’ na sa November 13

    35 shares
    Share 14 Tweet 9
  • Ika-82 anibersaryo ng Battle of Sibuyan Sea, ginunita sa Alcantara

    16 shares
    Share 6 Tweet 4
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

LGU Ferrol, nakatanggap ng ₱3.8M egg production project para sa mga magsasaka

LGU Ferrol naghahanda para sa paggunita ng UNDAS

ROMELCO consumers, may dagdag na 6.34 sentimos sa bawat kwh simula Oktubre

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up