• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Saturday, October 24, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sun
29 ° Mon
29 ° Tue
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Ika-82 anibersaryo ng Battle of Sibuyan Sea, ginunita sa Alcantara

    Ika-82 anibersaryo ng Battle of Sibuyan Sea, ginunita sa Alcantara

    Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    Gaytano, isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan sa Looc

    Gaytano, isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan sa Looc

    PBBM, hinimok mga LGU na ipagpatuloy ang paglikha ng makabagong solusyon para sa komunidad

    PBBM, hinimok mga LGU na ipagpatuloy ang paglikha ng makabagong solusyon para sa komunidad

    DILG MIMAROPA, nilinaw ang pagpaparada ng mga sasakyan sa parking area ng PEGASUS

    DILG MIMAROPA, nilinaw ang pagpaparada ng mga sasakyan sa parking area ng PEGASUS

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    1.93 Milyong pasahero, inaasahang daraan sa mga pantalan ngayong UNDAS

    Hontiveros sa AICS: Hindi dapat palakasan

    Hontiveros sa AICS: Hindi dapat palakasan

    DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

    DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

    Dela Cruz, hinimok ang mga pulis sa Romblon na panatilihin ang propesyonalismo

    Dela Cruz, hinimok ang mga pulis sa Romblon na panatilihin ang propesyonalismo

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sun
29 ° Mon
29 ° Tue
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Kalidad ni Calida

Romblon NewsbyRomblon News
June 6, 2018 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 14 mins read
2
0
U_Spy: Nasan ang huli nyo?
Share on FacebookShare on Twitter

Mukhang pumihit na ang lamesa sa pangunahing abogado ng gobyerno na si Solicitor General Jose Calida, na inuulan ngayon ng mga kontrobersiya matapos niyang maipanalo ang “quo warranto petition” sa Korte Suprema para mapatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Kung na-“qou warranto” niya si Sereno, aba’y mistula naman siyang “na-COA-warranto” sa puna ng Commission on Audit dahil daw sa labis-labis na allowance na nakuha ni Calida at iba pa niyang opisyal sa kaniyang taggapan noong nakaraang taon.

Ayon sa report ng COA, labis ang P10.77 milyon na nakuhang honoria ng 15 opisyal ng Office of the Solicitor General. Sa naturang halaga, P7.46 milyon nito ang napunta raw sa bossing ng ahensiya na si Calida.

Batay daw kasi sa COA Circular 85-25-E na ginawa noong April 1985, ang allowance na dapat tanggapin ng mga taga-OSG ay hindi dapat lalampas sa 50 porsiyento ng kanilang taunang sahod. Kaya kung P1.827 milyon ang buong sahod ni Calida sa isang taon, dapat daw eh nasa P913,950 lang [wala pang P1 milyon] ang dapat na honoraria na makuha niya. Aba’y malayong-malayo sa mahigit P7 milyon.

Ang depensa naman ng kampo ni Calida, wa-epek daw ang naturang circular ng COA dahil mayroong Republic Act No. 9417, o ang batas na nagpapalakas sa OSG, kung saan nakasaad na ang mga OSG lawyer eh puwedeng tumanggap ng honoraria at allowances nang walang “cap.”

Tanong ng ating kurimaw na walang trabaho, ibig ba nitong sabihin eh “sky is the limit” ang puwedeng kuning allowance at honoraria ng mga taga-OSG? Aba’y dapat yatang silipin ‘yan ng mga mambabatas kung totoo.

Pero bukod sa malaking allowance, kinukuwentiyon din kung bakit pinayagan ang security agency na pag-aari ng pamilya ni Calida na makakuha ng milyung-milyong kontrata sa gobyerno, tulad ng Department of Justice. Kahit pa sabihin na umalis na si Calida sa kanilang kompanya dahil miyembro na siya ng gobyerno, aba’y hindi pa rin yata magandang tingnan.

Sabi nga ng ating kurimaw na mahilig sa batuta, may mga transaksyon na masasabing “legally right” pero ang tanong ay kung “morally right” din ba?

But wait there’s more mga tsong.

Inaakusahan din ng isang Jocelyn Marie Acosta-Nisperos, tagasuporta ni Sereno, na itong si Calida ay mayroon daw kerida na kaniya pa raw tauhan sa opisina. Itinanggi naman ni Calida ang paratang at aminado si Nisperos na wala siyang hawak na katibayan para patunayan ang kaniyang bintang.

Pero hindi lang sa isyu ng kerida nakatutok si Nisperos, hinahalungkat din niya ang statement of asset and liabilities ni Calida kung tama ba ang isinusumite niyang ari-arian. Sabagay, kung SALN ang ginamit niyang isyu para mapatalsik si Sereno, dapat din naman siguro na patunayan ni Calida na malinis siya at sumusunod sa batas.

Iyon nga lang, bigo pa si Nisperos na makakuha ng SALN sa Civil Service Commission at ipinasa siya sa Office of the President dahil isa raw political appointee si Calida. Pero sa totoo lang, kung wala namang itinatago ang isang opisyal, hindi ba dapat proud kang ipakita ito? Sa kabila nito, sinabi na ni Pangulong Mayor Digong Duterte na hindi niya sisibakin si Calida. Pero kung hindi man siya sibakin, mag-resign kaya siya? Abangan.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko pero mas madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

    HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

    1853 shares
    Share 741 Tweet 463
  • DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

    35 shares
    Share 14 Tweet 9
  • Most Wanted sa Batangas, arestado sa Looc, Romblon dahil sa kasong rape

    266 shares
    Share 106 Tweet 67
  • Hataw Shopping Center sa Odiongan, ‘Good to Go’ na sa November 13

    25 shares
    Share 10 Tweet 6
  • Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    24 shares
    Share 10 Tweet 6
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

50 hydroponics kits, ipinamahagi ng DA sa mga estudyante ng RSU

Looc Public Market, kinilalang Most Consumer-Friendly palengke sa MIMAROPA

Hackathon ng DOST Romblon, target makatulong sa inobasyon ng Romblon sa S&T

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up