Ilang kalalakihan ang inaresto ng mga pulis matapos magkasuntukan ang dalawang grupo sa loob ng isang bar sa Odiongan, Romblon kagabi, Agosto 14.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station (MPS), nagkaroon ng komprontasyon ang dalawang grupo sa loob ng bar dahil sa hindi pa matukoy na dahilan na nauwi sa suntukan.
Agad na rumesponde ang mga pulis at dinala sa istasyon ang mga sangkot para sa kaukulang dokumentasyon at imbestigasyon.
Gayunman, pinalaya rin kalaunan ang mga naaresto matapos magkasundo ang dalawang grupo at hindi na itinuloy ang anumang reklamo kaugnay ng insidente.
Wala namang naiulat na malubhang nasugatan sa naturang kaguluhan, ayon sa paunang impormasyon ng pulisya.



































Discussion about this post