Arestado ang isang wanted person sa magkasanib na operasyon ng San Fernando Municipal Police Station (MPS) at Romblon Provincial Cyber Response Team (RPCRT) sa Barangay Poblacion, San Fernando, Romblon, dakong alas-3:30 ng hapon noong October 8, 2026.
Pinangunahan ni PSSg Juanito Ruallo Jr. ang operasyon para sa San Fernando MPS, katuwang si PMSg Ronald L. Paz ng RPCRT.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong October 8, 2026, ni Judge Rosario Sabarre Infante, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 106 sa Cajidiocan, Romblon.
Ang warrant ay kaugnay ng kasong Grave Threat in Relation to Republic Act No. 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012, na nakadokumento sa Criminal Case No. SF-267. Nakalaya naman ito agad matapos mag piyansa ng ₱72,000 para sa kaso.
Binigyang-diin ni PCOL Rexton Sawi, Provincial Director ng Romblon Police Provincial Office, ang kahalagahan ng koordinasyon ng mga law enforcement unit sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest upang maiharap sa nararapat na hukuman ang mga indibidwal na nahaharap sa mga kasong kriminal.


























