Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng San Fernando ang isang resolusyon na nag-eendorso sa aplikasyon ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) para sa Declaration of Mining Project Feasibility (DMPF) at sa ipinanukalang mining operations sa regular nitong sesyon.
Saklaw ng aplikasyon ang 42 ektaryang lupain sa Barangay España at mananatiling sasailalim sa mga umiiral na batas, regulasyon, at mga kinakailangang permit at pag-apruba mula sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Bumoto pabor sa resolusyon sina SB Rene Baranda, SB Jezrel Aquino, SB Marcial Riano, SB Cynthia Rios, SB Dinggol Marin, at Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Celedonio Tamayo.
Samantala, bumoto laban sa panukala sina SB Daxie Benedict R. Rios, SB Marites R. Clavel, at SB Cedmarc Francis Renion, habang dalawang miyembro ng Sangguniang Bayan ang hindi nakadalo sa sesyon.
Inaprubahan ang endorsement sa kabila ng naunang desisyon ng Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Barangay España na huwag iendorso ang aplikasyon ng kumpanya.
Ang endorsement ng Sangguniang Bayan ay isa sa mga dokumentong kinakailangan sa aplikasyon ng APMC para sa Declaration of Mining Project Feasibility at sa ipinanukalang mining operations. Ang aplikasyon ay mananatiling sasailalim sa pagsusuri at pag-apruba ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon



































Discussion about this post