• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Thursday, October 15, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Fri
29 ° Sat
29 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    RSU, pinarangalan ang pioneer graduates ng 1976 sa kanilang ika-50 anibersaryo ng pagtatapos

    RSU, pinarangalan ang pioneer graduates ng 1976 sa kanilang ika-50 anibersaryo ng pagtatapos

    Walong indibidwal, nasagip matapos masiraan ng bangka sa karagatan ng Corcuera

    Walong indibidwal, nasagip matapos masiraan ng bangka sa karagatan ng Corcuera

    81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    IPMR ng Calatrava, ipinagtanggol ang patas na pagbatikos kay Madrona sa gitna ng mga alegasyon

    Printwise, nagbukas ng bagong branch sa Odiongan sa tulong ng DOLE at DOST

    Printwise, nagbukas ng bagong branch sa Odiongan sa tulong ng DOLE at DOST

    DSWD, naghatid ng tulong sa dalawang pamilyang nasalanta ng sunog sa Romblon

    DSWD, naghatid ng tulong sa dalawang pamilyang nasalanta ng sunog sa Romblon

    Publiko, hinihikayat magpa-HIV test at maging tapat sa kanilang mga partner

    Ordinansa para sa regular na HIV testing sa mga vulnarable sector, ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan

    RSU, kinilala ang Romblon News Network bilang katuwang sa pag-unlad

    RSU, kinilala ang Romblon News Network bilang katuwang sa pag-unlad

    DTI Romblon, nagsagawa ng product standards monitoring sa buong lalawigan

    DTI Romblon, nagsagawa ng product standards monitoring sa buong lalawigan

    RSU, isinusulong na maging kauna-unahang Archipelagic University sa Pilipinas

    RSU, isinusulong na maging kauna-unahang Archipelagic University sa Pilipinas

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Fri
29 ° Sat
29 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Kulang ang ayuda sa COVID-19 patients

Rey MarfilbyRey Marfil
July 26, 2021 - Updated On October 18, 2021
in U_Spy
Reading Time: 17 mins read
16
0
U_Spy: Kulang ang ayuda sa COVID-19 patients
Share on FacebookShare on Twitter

Todo ang paalala mga tropapips ng mga opisyal sa publiko na mag-ingat dahil may local cases na tayo dito sa Pilipinas ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19. Pero ang payo ay para hindi tamaan ng virus, eh papaano na kapag tinamaan at naospital?

Para sa mga litong-lito kung ano ba itong mga variant-variant na ito; para din po itong isang brand ng softdrinks na may iba't ibang flavor tulad ng regular, zero, light, diet, o kung ano-ano pa.

Bago malito, huwag kalimutan mga tropapips na kahit may iba't ibang variant ang COVID matapos na mag-mutate o magbago, ang una pa rin at “original” nito eh ang galing sa China.

Dito sa atin sa Pilipinas, ang mga positibong COVID cases ay ipinapadala ang sampol sa Genome Center Biosurveillance para alamin kung nag-mutate ang virus. At kung nag-mutate, aalamin kung saan bansa nanggaling.

Bago pa man tayo masindak sa Delta variant na unang na-detect o nakita sa India, nauna nang nanindak ang Alpha variant na unang nakita sa United Kingdom; Beta variant na unang nakita sa South Africa; at ang Gamma variant ng Brazil.

Batay sa datos na inilabas ng Department of Health tungkol sa mga variant noong July 16 mga tropapips, mas marami pa rin ang Beta variant na nakita sa mga COVID positive sa atin na nasa 1,685 (21 active, 47 nasawi, at 1,615 gumaling).

Sunod naman ang Alpha variant na 1,481 (20 active, 53 nasawi, at 1,403 gumaling). Ang Delta variant nang araw na iyon, 35 (0 active, 2 nasawi, 33 gumaling. Habang ang Gamma eh 2 lang, at parehong gumaling na.

Ang problema, marami ang nababagalan sa paglabas ng resulta ng ginagawang pagsusuri ng Genome Center. Ang ibang datos kasi na inilabas kamakailan, napag-alaman na COVID patient noong Hunyo pa. Ang iba eh gumaling na, at may namatay na rin gaya ng dalawang pasyenteng nasa Maynila.

Kaya kung may nagaganap man na pagkalat ngayon ng Delta variant, aba'y baka sa susunod na buwan pa natin malaman, o kaya naman eh talagang punong-puno na ang mga ospital, sementeryo o crematorium, gaya nang nangyayari sa Indonesia at India.

Ngunit hindi rin naman natin puwedeng sisihin ang Genome Center kung kulang sila sa tao at kagamitan. Kaya ang dapat gawin, tulungan sila ng mga may maraming pondong pangampanya para mapabilis at mapahusay ang kanilang trabaho.

At bukod sa paghahanap ng paraan para maiwasan ang pagkalat ng hawahan tulad nang pagbabawal ulit sa mga bata na gumala, aba'y dapat maghanap na rin ng paraan ang PhilHealth kung papaano madadagdagan ang tulong sa mga may “comorbidities” na tatamaan ng COVID.

Karaniwan kasing lumalaki ang gastos sa ospital na umaabot sa milyon-milyon ang mga may comorbidities dahil sa dati na nilang sakit na patuloy na gagamutin kahit pa nawala na ang virus sa katawan nila.

Kaya mungkahi ng ilang kurimaw natin na takot maospital, bukod sa “pneumonia cases” package ng PhilHealth para sa COVID patient na mula P43,997 hanggang P786,384, magandang maglaan din sila ng “comorbidities package.”

Tutal eh dinagdagan ng PhilHealth ang kanilang free dialysis coverage sa 144 mula sa dating 90 sessions, at naglaan din sila COVID-19 vaccine injury compensation package, malamang ang hirit ng mga may comorbidities: PhilHealth, bekenemen.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    3960 shares
    Share 1584 Tweet 990
  • Rank 1 most wanted sa Romblon, arestado sa Laguna

    723 shares
    Share 289 Tweet 181
  • Duguang sekyu, nakahingi pa ng tulong bago muling habulin ng suspek sa RSU San Andres

    560 shares
    Share 224 Tweet 140
  • Bahay-kubo sa Barangay Limon Norte, Looc, nasunog

    60 shares
    Share 24 Tweet 15
  • RSU, iminungkahing gawing sentro ng teknolohiya at pagsasanay sa agrikultura

    23 shares
    Share 9 Tweet 6
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Mayor Ramos, hiniling ang datos ng ekonomiya kada bayan sa Romblon

₱2.7-M cattle production project, ipinagkaloob sa farmers association sa Santa Maria

Inflation sa Romblon, umakyat sa 5.7% noong September 2026 — PSA

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Montenegro Shipping Lines, binuksan ang online booking para sa rutang Batangas-Odiongan

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up