Naghatid ng food at non-food assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office MIMAROPA sa dalawang pamilyang nasunugan ng magkahiwalay na insidente ng sunog sa mga bayan ng Corcuera at San Jose, Romblon.
Katuwang ang mga lokal na pamahalaan, namahagi ang DSWD ng Family Food Packs (FFPs), Family Kits, Sleeping Kits, Kitchen Kits at Hygiene Kits na may kabuuang halagang ₱10,271.90.
Bukod dito, magbibigay ang Lokal na Pamahalaan ng Corcuera ng ₱5,000 na pinansyal na tulong sa pamilyang naapektuhan ng sunog sa nasabing bayan, habang ₱10,000 naman ang ilalaan ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose para sa pamilyang nasalanta sa kanilang lugar.
Ayon sa DSWD MIMAROPA, patuloy itong nakikipag-ugnayan sa mga Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Office upang matukoy ang iba pang pangangailangan ng mga apektadong pamilya at maihatid ang angkop na tulong.


























