Kinilala ng Romblon State University (RSU) ang Romblon News Network (RNN) bilang isa sa mga katuwang nito sa seremonyang Pagkilala sa mga Katuwang sa Pag-unlad 2026.
Iginawad ang pagkilala bilang pagkilala sa ambag ng RNN sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga programa, aktibidad at iba pang inisyatiba ng pamantasan.
Ayon kay RNN founder Paul Jaysent Fos, mahalaga ang pakikipagtulungan ng media at mga institusyong pang-edukasyon upang maiparating sa publiko ang mga impormasyong may kaugnayan sa edukasyon at pag-unlad ng lalawigan.
Patuloy na nag-uulat ang RNN tungkol sa mga kaganapan, programa at inisyatiba sa Romblon, kabilang ang mga aktibidad ng mga institusyon at lokal na pamahalaan sa lalawigan.


























