Nagpahayag ng patuloy na pakikipagtulungan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga lider-barangay mula sa iba’t ibang bayan ng Romblon kasunod ng kanilang pagbisita kay Congressman Eleandro Jesus Madrona kamakailan.
Kabilang sa dumalaw sa tahanan ng kongresista ang mga pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) mula sa iba’t ibang munisipalidad, na kinabibilangan sa pangunguna ni Kap. Milo Maulion ng Odiongan, Romblon.
Ayon sa ulat, nagsilbing pagkakataon ang naturang pagbisita upang higit na mapagtibay ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng mga lider ng barangay at tanggapan ng kongresista.
Sa isinagawang pagpupulong, nagpahayag ang mga kapitan ng kanilang patuloy na pakikipag-ugnayan at suporta sa mga programang naglalayong mapaunlad ang kani-kanilang mga barangay, partikular sa larangan ng imprastraktura, serbisyong panlipunan, at iba pang pangangailangan ng komunidad.
Samantala, muling iginiit ni Madrona na nananatiling prayoridad sa kanyang panunungkulan ang pagpapaunlad ng mga barangay sa buong lalawigan, bilang pundasyon ng mas malawak na kaunlaran sa Romblon.


































