Nagsasagawa ng job fair ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa sa bayan ng Odiongan, Romblon nitong March 23, Huwebes, kung saan aabot sa 68 na posisyon sa iba't ibang programa ng ahensya ang bakante.
Ayon kay Romblon SWAD Team Leader Abegail Fetilo, umabot sa 320 na aplikante ang tumungo sa Odiongan National High School para magpasa ng resume at requirements para sa one-day job fair.
Ang aktibidad ay bahagi ng selebrasyon ng ika-72 anibersaryo ng DSWD.
Maliban rito ay mayroon ring inilatag na booth ang DSWD para mas makilala pa ng mga aplikante ang iba't iba nilang programa kagaya ng Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at Sustainable Livelihood Program.


































