Naaresto ng mga operatiba ng Magdiwang Municipal Police Station ang isang 26-anyos na lalaki na wanted sa kasong panggagahasa sa probinsya ng Sorsogon.
Kinilala ang suspek na si Norjohn Lobina. Ayon sa pulisya, inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 54 sa Gubat, Sorsogon noong May 5.
ADVERTISEMENT
Kasalukuyan na siyang nakakulong at inaasahang ihahatid pabalik sa Sorsogon para harapin ang kaso sa korte.
Walang inirekomendang piyansa para sa kaso ng suspek.



































