May 56 na rice retailers sa probinsya ng Romblon ang nakatanggap nitong Biyernes, September 29, ng ayuda mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay DSWD-SLP Provincial Coordinator Gare Gaa, ang mga benepisyaryo ay nagmula sa mga bayan ng Odiongan, Looc, Magdiwang, San Agustin at San Fernando.
Ang mga rice retailers na benepisyaryo ng SLP ay kasama sa second batch na natukoy ng Department of Trade and Industry na nagbenta ng mas mababang presyo ng bigas alinsunod sa executive order 39 ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Sa pangkahalatan, may 79 na benepisyaryong rice retailers na ang natulungan ng DSWD sa ilalim ng kanilang SLP kung saan aabot na sa mahigit P1.1 million na pondo ang nailabas ng ahensya.