Ininspeksyon ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang itinayong slaughterhouse ng lokal na pamahalaan ng Looc sa Barangay Punta bilang paghahanda sa pagbubukas nito.
Sa bagong lugar-katayan na ito, makikita ang mas malaking espasyo at modernong kagamitan na makakatulong sa mas epektibong pagkakatay ng mga baboy at baka. Ito ay isa sa mga hakbang ng pamahalaang bayan ng Looc upang mapalawak at mapahusay ang kanilang slaughterhouse.
Nanguna rin ang NMIS sa isinagawang seminar sa bayan upang bigyang-diin ang tamang pamamaraan sa pag-operate at pag-manage ng slaughterhouse. Layunin ng seminar na ito na matiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga karne na nagmumula sa slaughterhouse.
Sa nasabing seminar, tinalakay ang mga mahahalagang aspeto ng meat inspection, gayundin ang mga patakaran at pamamaraan para sa maayos na pag-sanitize at pagkatay.
Inilahad din ang mga legal na aspekto ng meat inspection, good manufacturing practices, standard sanitation operation procedure, at hygienic slaughtering.