Bigla nalang umanong sinaksak ng isang lasing na lalaki ang mag-amang nagmomotorsiklo nitong hapon ng June 24 sa Barangay Budiong sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang rider at kanyang anak ay pauwi na sana galing sa Budiong Beach Resort matapos ang selebrasyon ng San Juan nang harangin ng suspek at walang ano-ano ay biglang sinaksak gamit ang kutsilyo.
Nagtamo ng saksak ang mag-ama na agad namang nakapunta sa Romblon Provincial Hospital.
Ang suspek ay sumuko sa pulisya at ngayon ay nakakulong. Mahaharap ito sa kasong frustrated homicide at paglabag sa Republic Act 7610.