Ipinangako ni Romblon Governor Otik Riano na bibigyan ng priyuridad ng kanyang administrasyon ang kalusugan ng mga Romblomanon sa loob ng kanyang termino.
“Kalusugan ng kababayan [ko] ang priyuridad ko,” yan ang pahayag ni Riano sa kanyang address matapos na manumpa sa naganap na Joint Inaugural and Otah-Taking Ceremony sa Romblon, Romblon noong June 30.
Sa ulan ng pahayagang Romblon Sun, sinabi rito na nakipag-ugnayan agad si Riano sa pamunuan ng Department of Health (DOH) matapos itong manalo sa pagka-Gobernador para mas mapaunlad pa ang health services ng mga ospital sa lalawigan. Nakipag-usap na rin umano siya sa mga doktor na nangangasiwa ng mga ospital sa lalawigan.
Layunin rin umano ni Riano na maitaas ang antas ng Romblon Provincial Hospital mula sa Level 1 DOH Hospital, gayun na rin ang mga ospital sa San Jose, Romblon, at sa Sibuyan.
Nabanggit rin sa ulat na nasa programa ng bagong Gobernador ng Romblon ang pagkakaroon ng Dialysis Center sa Romblon Provincial Hospital bago matapos ang taong 2019.
Read More: Pagsingil ng Professional Fee ng mga Doctor sa RPH, linimitahan ni Gov. Riano