May aabot sa halos 100,000 na estudyante ang inaasahang magbabalik eskwela ngayong June 3 sa mga public schools sa lalawigan ng Romblon na nasa ilalim ng Department of Education (DepEd) Romblon Schools Division.
Ayon kay Schools Division Superintendent Roger F. Capa, ang 100,000 na mag-aaral mula kinder hanggang Grade 12 ay papasok sa 217 elementary school at 47 secondary schools sa probinsya.
Sa ngayon merong mahigit kumulang 4,200 na guro sa lalawigan ang nagtuturo sa mga nabanggit na public schools na nasa ilalim ng Department of Education (DepEd).
Siniguro naman ni Capa na sapat ang mga silid aralan sa probinsya, aniya may 10% nalang ang natitirang may mga makeshift classrooms o may mga classroom na hindi pa natatapos ang construction.
Samantala, sa isang Facebook post, pinaalalahan ni Capa ang mga guro at estudyante na magsumbong sa kanilang opisina kung sakaling may mga batang hindi tatanggapin sa mga public schools.
“DepEd Order No. 32 s. 2003 gives priority preference for admission to new entrants who are residents of the locality where the school is located, subject to the maximum class size (Grade 1 to 4 – maximum of 40 learners per class; Grade 5 to 12 – 15 students to a maximum of 60 per class) is maintained. However, excess entrants (new or old), who are residents of the locality where the school is located shall be admitted, subject to the provisions of alternative delivery modes and adoption of double shift policy,” ayon sa post ni Capa.
Sinabi rin ni Capa na pagdating ng pasukan ay ipapatupad agad ang kanilang ‘no collection policy’ dahil sasagutin ng DepEd ang mga gastos sa paaralan katulad nalang ng Identification (ID) Cards na ibabawas sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan.